Usapang Pera at Pulitika sa 9/9/9

Sa umaga ng ika-9 ng Setyembre, 2009 nagdeklara ng pagtabo bilang pangulo ng Pilipinas sa susunod na halalan si Noynoy Aquino.  Pagbukas ko ng Twitter kaninang umaga, isa isang nagsulputan ang mga tweet ng mga tao.  May mga ilang tweet na kumuha ng aking atensyon.

RT @jscatalla02: At ito na. Tatakbo ang anak ng nasa limandaan. Susunod na kabanata: tatakbo bang bise niya ang apo ng nasa isandaan?Abangan

At ang sagok ko ay:

@Menardconnect hindi natin alam kung ano ang sasabihin ng kampo ng anak ng nasa 200

Since dumami na ang tweet tungkol kay Noynoy eto ang naging sagot ko:

On #noynoy plataporma na lang ang kulang…

At sumagot ang apo ng nasa dalawampung piso

mlq3@Jameson168 may plataporma na ang mga kandidatong may partido: http://tinyurl.com/lzzjp6

What a day… lahat ng mga anak at apo nasa pera ay isa’t isa naglalabasan ngayon.  Isa lang masasabi ko, ngayon araw ay napakaispesyal sa pamilya ng nasa limandaang piso at maraming nangyari ngayon.

Paguwi ko ng bahay nagabang ako ng balita tungkol sa mga nangyari ngayon. Ayon sa tugon ng kampo ng anak ng nasa dalawangdaan piso malakas pa ang kanilang kampo nila sa dahilan pinakamalaking partido ngayon ang administrasyon (Lakas-Kami-CMD)

Ayon sa apo ng nasa limandaang piso may twitter na ang kayang tito na anak ng nasa limandaang piso:

jiggycruzTweeps. Tito Noy has a Twitter Acct but I’m still teaching him. Follow @noynoyaquino =) no picture yet though

Isa lang masasabi ko sa susunod na pangulo ng Pilipinas… ayaw ko na ng makakita ng mga ss:

  1. Hello Garci
  2. ZTS-NBN
  3. Fertilizer Fund Scam
  4. North-South Rail Controversy
  5. Mga biglaang holiday na nagbibigay kulay pulitika
  6. Mga hindi maipaliwanag na yaman at ari arian
  7. Magarbong hapunan na ngakakahalagang mahigit kumulang na PHP1,700,000 sa loob ng dalawang araw
  8. Pagbibigay ng pardon sa iba’t ibang kriminal na nakakulong
  9. Kapit tuko sa pusisyon
  10. Pagtanaw ng utang na loob kung kanikanino para sa mga pabor na nagawa
  11. At marami pang ibang  anumalya sa pamahalaan

Sa madaling salita ayaw namin ng magnanakaw. Gusto naman namin makita na mauwi yun aming humugit kumulang na 30% na buwis, na mula sa dugo’t pawis, sa mga makakabuluhang bagay at hindi sa bulsa ng mga magagaling nating mga pulitiko.

Para sa ikalilinaw ng iba kung sinu-sino ang mga nasa larawan ng pera ng Pilipinas.:

image 

PHP 20 Pangulong Manuel L. Quezon

image

PHP 100 Pangulong Manuel A. Roxas

image

PHP 200 Pangulong Diosdado P. Macapagal

image

PHP 500 Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: