Archive for the ‘2010 Elections’ Category

Boboto Dahil sa Survey

Sa kasalukuyan, madami survey kaliwa’t kanan upang itanong kung sino ang iboboto sa susunod na halalan. Kaso sa kultura ng Pilipino, mahilig tayo sa llamado, oo nga naman, bakit tayo tataya sa hindi mananalo?

Kung iisipin natin, marami tayo naririnig na “Iboboto ko ito si Kandidato A dahil ayaw ko manalo si Kandidato B pero ang gusto ko sana si Kandidato C.” Ano ang basehan nila na malakas si Kandidato B? SURVEY.

Ayon sa Merriam Webster ang survey ay “to query (someone) in order to collect data for the analysis of some aspect of a group or area”

Kung lalagay natin sa situwasyon ng Pilipinas,may mga nagpapasurvey ay nagtatanong ng mga 1000-3000 katao (depende sa kanilang sample) kung sino ang iboboto sa darating na halalan. Kung ano ang lumabas sa survey, ito ay pwedeng gamitin batayan kung gaanp kalakas ang kampanya ng isang kandidato.

Para sa mga boboto, ang survey ay hindi batayan kung sino ang iboboto. Ang survey ay sumasalamin lang kung ano ang gusto ng sambayanang Pilipino at hindi para iboto kung sino ang llamado.

Para umunlad ang ating bayan iboto kung sino ang nasapuso at isipan, huwag sana mangayari kung sino ang gusto ng 1000-3000 katao yun na din ang susundin ng 50,000,000 Pilipino.

Wala po ako minumungkahi kung sino ang iboboto at sino ang huwang iboto. Pakiusap ko lang bumoto po sana tayo kung sino ang nasa puso natin. Salamat.

Inilipat ko lang ito mula sa Fecabook Pages ko

Patalastas: Para sa mga Boboto sa 2010

Sa susunod na halalan ang Pilipinas ay gagamit ng automation sa pagbilang ng mga boto.  Pero bago ang lahat, kailanganin muna natin maging tiyak kung nakarehistro tayo para sa susunod na taon.  Bago ang hi-tech na bilangan (na sana’y di naman hi-tach ang dayaan).  Bumisita muna tayo sa website ng COMELEC, upang tiyakin kung saan tayo nakarehistro.

Natuklasan ko lang ito kahapon habang naghahanap ng mga pamantayan sa pagrehistro ng botante.  Na hi-tech na din yun Comelec dahil makikita natin dito sa website na ito yun mga detalye ng atin pagkarehistro.  Pumunta lang sa link na ito at ilagay lang ang pangalan at araw ng kapanganakan, at ibibgay niya ang mga detalye kung saan presinto ka boboto.

comelecScreenshot ng Impormasyon kung saan Nakarehistro

Ang address ng presinto kung saan boboto ay wala pa sa website. Mabutihin imungkahi na lang sa inyong barangay pag malapit na ang halalan,

Kaya para sa mga may gustong supotahan sa darating na halalan at hindi pa nakakapag rehistro, mabutihing pumunta sa inyong mga Munisipyo o City Hall para mag rehistro at ito ang kanilang schedule

During office hours, from 8:00 AM to 5:00 PM,
(Mondays – Saturdays including holidays)
beginning December 2, 2008 (Tuesday) to
October 31, 2009 (Saturday)

Sa mga hindi pa nakapagrehistro, mag parehistro na, sayang ang boto.

Ang mga impormasyon ay mula sa: www.comelec.gov.ph